Sa muling pagsasagawa ng face-to-face Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong taon, nakiisa ang buong Department of Social Welfare and Development (DSWD), kabilang ang Finance and Management Service (FMS), sa pag-Duck, Cover, and Hold bilang bahagi ng pagsasanay sakaling may manyaring lindol.
Ginanap ang 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong araw, March 09, 2023, sa ganap na alas-dos ng hapon. Sa hudyat ng sirena, pinangunahan ng mga Safety Evacuation Officers (SEO) ang pagsasagawa ng Duck, Cover, and Hold na bahagi ng safety procedures sakaling mangyari ang isang lindol.
Matapos ang ilang minutong pagsasagawa ng Duck, Cover, and Hold, nagsimula nang lumabas sa mga gusali ang mga kalahok at dumiretso na sa mga itinalagang Evacuation Areas. Walong lugar sa buong DSWD compound ang nagsilbing kanlungan para sa mga lumikas na mga empleyado. Nagkaroon din ng simulation sa mga insidente tulad ng pagdadala sa mga sugatan na empleyado sa loob ng ambulansya at ang pag-account o pagbilang sa mga lumikas na mga kawani at kung may mga naitalang nawawala o hindi pa matukoy kung nasaan.
Ang naganap na Earthquake drill ay ang una sa taong ito. Nakatakda sa Hunyo, Setyembre, at Nobyembre, ang mga susunod na pagsasanay bilang paghahanda sa lindol. Patuloy namang makikiisa ang buong DSWD kabilang ang FMS sa pagsasanay na ito.
###